Monday, May 21, 2012

Malalang Kalokohan

Ako'y naiinis, hindi dahil sa mahal ang patis.
Ako'y naaasar hindi dahil sa mungkahi ni Baltazar.

Anong bumabagabag sa lawak ng kaisipan?
Iisang dahilan, pangalan mo lamang.
Anong nakaliligaya sa bawat pagsilip ng liwanag?
Iisang pag-asang, sa piling mo ay mapanatag.

Anong kasinungalingan ang sumagi sa katauhan?
Pag-ibig na hirang, isang malaking katangahan.
Anong umanib sa talas ng pang-unawa?
Natutong tumula, tinuring na malaya.

Bakit hindi ko matanggap-tanggap?
Wala namang pagsusing ganap.
Bakit naiwan sa isipan?
Malalang kalokohan.

Anong Mapapala?

Sana araw-araw akong nakakagala,
para kahit buong araw ako magsalita,
wala masyadong makakahalata.

Sana walang matang mapanghusga,
ng di maduwag ilabas ang tunay na mukha.

Gustong-gusto kitang pagsalitaan ng masama,
isang masamang-masamang tang-'na.

Wala naman ako sa lugar para magmura,
di naman tamang malaman mo pa.

Kaya sa isip ko ako'y aapula,
sisigaw at iiyak ng walang pagsawa.

Ni hindi ko nga alam anong mapapala,
alam ko lang ay magmumukhang tanga.

Pero bakit patuloy sa paghanap sa wala,
bakit binabalik ang lumipas na pagsinta.

Isip ko'y pagod na sa pagluha,
ang labi'y ngawit na sa kakatawa.

Mga mata'y di na kayang ikahiya,
takot lang akong dumilat sa wala.