Friday, September 14, 2012

Wala ng Iba

Ano ang dapat na gawin,
kapag naubos na ang sasabihin,
magpapadala ba sa buhos ng damdamin
o dadamahin na lang lambing ng hangin?

Mga araw ay lumilipas na marahan
walang ibang nais kundi ika'y mahagkan
pag-ibig na ito, ano kaya ang patutunguhan?
Aabot kaya tayo sa walang hanggan?

Hawakan mo aking mga kamay.
Samahan mo ako sa 'king paglalakbay.
Ikaw ang nais makasama sa buhay.
Pag-ibig ko'y iyong tinataglay.

Kung akala mo ika'y nag-iisa.
Nasa likod mo ako, itutulak kita.
Tutulungan kitang tumayo.
Hinding-hindi ako lalayo.

Wag kang mag-alaala, hindi kita iiwan.
Hindi ipagpapalit kahit kanino man.
Kahit na madaming may dating at mayaman.
Tandaan mo, ikaw lang magpakailanman.

Kung ang kamay mo'y nanlalamig sa kaba,
wag na wag kang mag-aalala
Hawak-kamay, sasamahan kita.
Saan ka man dalhin ng tadhana.

Wag kang mag-alala, ikaw lang talaga.
Ikaw lang talaga, wala ng iba. :)