Mangmang na masaya o matalinong lumbay ang kasama?
Saang panig ka nga ba dapat na sumangga?
Ni hindi ka nga makakita sa dilim.
Ni hindi mo nga magawang kumapit sa patalim.
Anong inaasahan mong iyong marating?
Isang paraisong wala ng pagluhang darating?
Kung sampalin kaya kita ng pagkalakas-kalakas,
kung buhusan kaya kita ng tubig na nagniningas,
maramdaman mo kaya lahat ng kapaitan?
makita mo kaya ang pagtangis ng katotohanan?
Bagamat ang katotohan ay isa ng kasinungalingan,
at ang kasinungalingan ang naging katotohanan,
ang tatsulok ay hindi na tamang baliktarin,
landas nito'y dapat ng itama at tuwirin.
Thursday, April 19, 2012
Wednesday, April 18, 2012
Buhay
Ikaw ba'y tunay na malaya?
Nasuri mo na ba ang buhay ng walang pagsala?
Isip mo ba'y hindi nababalot ng hiwaga?
Mata mo ba'y bukas sa bagong diwa?
Ang buhay kung hindi nasuri ay walang halaga.
Ang isip kung nagmula sa iba ay napakatanga.
Kung mabubuhay ka gamit ang paa ng iba,
layunin ng buhay, makita mo kaya?
Daanang nilalakaran, saan kaya mapupunta?
Alam mo ba kung saan ka magiging masaya?
Kaligayahan nga ba tunay na paksa?
Ang mabuhay nga ba ay ang paglaya?
Mapapagod ka lang sa iyong paghahanap.
Kaligayahan ay hindi ang siyang dahilan,
kung bakit sa buhay ay nagpapa-agos na lamang.
Katotohanan ay gawa-gawa lamang at ang buhay ay tunay na walang laman.
Sunday, April 8, 2012
Panaginip
Sa paglalakbay ng diwa sa kalawakan,
doon sa kay layo matatagpuan,
mga pang-unawang di malimut-limutan,
mga imahinasyong bumabalot sa katauhan.
Sa pagbagsak ng talukap, sa pagbukas ng isipan,
doon maglalakbay sa mundong walang hanggan.
Doon napag-isip-isip isang malaking kaibahan,
anong layo ng panahon, pagkakataon at lupang tinahanan.
Sa bawat hampas ng alon, sa dagat ng kawalan,
abot tanaw ng tingin, isla ng kababalaghan,
buuin sa isip, isang magandang larawan,
isang gabing kabilugan ang buwan.
Naglalayag ang diwa ng umiidlip,
katotohanan ba? O isang panaginip?
Sa pagbasag ng liwanag sa gabing madilim,
naulilang isipan muli ng gumising.
Sa pagsilip ng liwanag,
mamaalam sa mundo ng mga duwag.
Iwanan ang mga panaginip,
sa tunay na mundo'y maglayag.
doon sa kay layo matatagpuan,
mga pang-unawang di malimut-limutan,
mga imahinasyong bumabalot sa katauhan.
Sa pagbagsak ng talukap, sa pagbukas ng isipan,
doon maglalakbay sa mundong walang hanggan.
Doon napag-isip-isip isang malaking kaibahan,
anong layo ng panahon, pagkakataon at lupang tinahanan.
Sa bawat hampas ng alon, sa dagat ng kawalan,
abot tanaw ng tingin, isla ng kababalaghan,
buuin sa isip, isang magandang larawan,
isang gabing kabilugan ang buwan.
Naglalayag ang diwa ng umiidlip,
katotohanan ba? O isang panaginip?
Sa pagbasag ng liwanag sa gabing madilim,
naulilang isipan muli ng gumising.
Sa pagsilip ng liwanag,
mamaalam sa mundo ng mga duwag.
Iwanan ang mga panaginip,
sa tunay na mundo'y maglayag.
Subscribe to:
Comments (Atom)