Monday, May 4, 2015

Nawawala

Takot na takot ka na naman.
Tuloy-tuloy sa araw-araw
pero ang isip mo'y naglalakbay.
Naghahanap ng patunay.

Litong-lito ka na ba?
Hindi alam anong gagawin,
hindi alam kung saan pupunta.
Hindi alam kung tama pa.

Paano na ang gagawin ko?
Saan ba talaga dapat tumakbo?
Kakanan ba o hindi na liliko?
Kanino dapat na yumuko?

Paulit-ulit ka ng lumuluhod,
pero bakit hindi sumasakit ang tuhod?
Napakikinggann pa kaya ang pagsusumamo?
Bakit hindi makalirip ni isang tugon?

Nagtataka na ang puso ko.
Kulang ba ako sa pangako?
O baka naman paulit-ulit sa pagpako?
Anong dapat upang muling maako?

Saan ba ako dapat maghanap?
Taas, baba, loob at labas
Bakit hindi makita ang hinahanap?
Nag-iisang wala sa hinagap.

Umaasa ba ako sa wala?
Naririnig pa kaya aking mga talata?
O sadyang ang sagot ay hindi at wala?
Hindi makuntento, ako'y nawawala.

No comments:

Post a Comment