Buti na lang malawak ang bakuran.
Para sa isang batang walang muwang,
daig pa nito ang kalawakan,
punung-puno ng kahiwagaan.
Buti na lang maraming kalat na laruan.
May karton, may gulong, may mga dahon.
Pwede ng maglaro ng bahay-bahayan,
mayroon pang sasakyan at lutu-lutuan.
Buti na lang musmos pa lamang.
Hindi pa alam ang tunay na kaginhawaan.
Sa mumunting bagay ay naliligayahan.
Sa kaunting kayamanan ay tiwalang lubusan.
Ngunit paano kung dumating ang panahon,
kamusmusa'y unti-unting mapaparam.
Mamumulat na sa katotohanan.
Mundo'y puno pala ng kahirapan.
Ngunit paano kung dumating ang pagkakataon,
malawak na bakuran ay maging maliit na tahanan,
kalat na laruan ay maging basurahan,
gigising sa katotohanang puno ng kapaitan.
Buti na lamang at musmos pa lamang,
sa nalalabing panaho'y maipaaalam,
na sa bawat umaga'y mayroong gabi,
at sa bawat saya'y mayroong pighati.
Kuha ka ng Malikhaing Pagsulat 10! Matututo ka ng imagery sa poems, for example, yung Buti musmos pa lamang, pwedeng gawing Buti'y may gatas pa sa labi. :)
ReplyDeleteYung class ko na pumunta kami sa Malacanang is NSTP-CWTS. I follow your blog!