Wednesday, March 21, 2012

Iisang Ikaw

Buntong-hininga
Natutulala
Para bang kay bigat ng dala-dala.

Buntong-hininga
Natutulala
Lagi na lang ikaw ang naaalala.

Iisang ikaw lang naman
ang nais ko...
Iisang ikaw lang naman
ang pangarap ko...

Bakit hindi makuha?
Kahit humiling sa tala.
Di na mapigilang luha.
Nagtatanong na kay Bathala.

Iisang ikaw lang naman
ang gusto kong makita.
Iisang ikaw lang naman
ang nais makasama.

Bakit di pagbigyan?
Kahit sa panaginip lang.
Pag-ibig na inaasam.
Ikaw lang ang kasagutan.

No comments:

Post a Comment