Tuesday, March 27, 2012

Hindi Makatulog

Kung kailan gabi at handa ng humimbing,
Doon sasambulat lahat ng dapat gawin.
Kung kailan nakapikit at daigdig ay kay dilim,
Doon mapapaisip ng mga bagay na kay lalim.

Sa buong panahong mata'y nakadilat,
Hindi lubos maisip kung paano uubusin ang oras.
Sa buong panahong nakatayo't naghahanap,
Tsaka nakatunganga at walang mahagilap.

Kay lalim na ng gabi ngunit diwa'y gising pa din.
Nag-aamba na ang liwanag, nagpapaalam na ang dilim.
Nagtatalo na sa isip, anong marapat na gawin?
Humiga at pumikit, umaasang mahihimbing.

2 comments: