Tuesday, March 27, 2012

Isang Manunulat

Susulat ako ng susulat
hanggang sa mapudpod ang panulat.
Susulat ako ng susulat
hanggang sa ang isip ay mamulat.

Ito ang panata ng isang manunulat.
Mag-usig at sumuri,
katotohana'y isambulat.

Ito ang panata ng isang manunulat.
Mag-isip at isaisip,
damdami'y isiwalat.


No comments:

Post a Comment