Heto na naman ako.
Payakap-yakap sa teddy bear na bigay mo.
Antay ng antay sa PM mo.
Kahit ano, kumpletuhin mo lang ang gabi ko.
Ilang araw na akong ganito.
Lagi nilang ambigat ng puso ko.
Ikaw kasi eh, bakit ba nakakamiss ka?
Kahit ayoko, wala akong magawa.
Pero alam mo ba,
kapag nagkakausap tayo,
gumagaan ang pakiramdam ko,
para bang ang saya ko.
Sa bawat pagpikit ng aking mata,
ikaw lagi ang aking nakikita.
Lagi kitang naiisip.Di na ako mapakali,
gustong gusto na kita makita uli.
Minsan napapadaydream pa ko,
yayakapin kita tapos matutuwa ka.
Sana nga ganun na lang,
sana ganun lang kadali.
Iniisip ko din, iniisip mo din kaya ako?
Nababatid mo ba mga pahiwatig ko?
Nararamdaman mo kaya.
Ramdam mo bang mahal pa kita?
Pasensya na. Ngayon ko lang nalaman.
Ang hirap palang umasa, ang hirap.
Ang hirap ding mangarap, hay.
Wala kasi akong lakas ng loob.
Natatakot akong baka mapahiya lang ako.
Lalo na kapag sinabi ko na ikaw ang gusto ko.
Gusto kong humingi ng tawad sayo.
Gusto kong itama lahat ng maling nagawa ko.
Alam ko, mahirap ang magkalayo.
Kaya nga kita nagawang iwan noon.
Kasi nahihirapan akong di kita nakikita araw-araw.
Akala ko, pag nawala ka, mas madali.
Pero mali. Hindi din naging madali.
Mahirap pa din. Masakit tanggapin.
Siguro nga ganun talaga.
Walang pag-ibig na madaling makuha.
Nga pala, bago ko malimutan.
Gusto kong malaman mo,
miss na miss na kita,
gusto kong ibalik yung dati.
At sana, mabasa mo ito.
Umaasa na naman ako,
kahit alam kong tadhana lang,
ang magdadala sayo sa tulang ito.
No comments:
Post a Comment