Isang taon pa.
Bigyan mo pa ako ng isang taon.
Isang taong palugit,
mag-aantay na magbago ang ihip.
Nagbabaka-sakali, kung saka-sakali.
Hindi ako tatakbong palayo,
lalakad lang ako at parating lilingon.
Umaasa pa din, kahit talagang wala na.
Pero wag kang mag-alala,
di naman pipilitin na bumalik ka pa.
Umaasa lang sa wala,
baka sakaling pagbigyan ng tadhana.
Kung isip mo'y magbago,
maaari bang tandaan mo.
May isang taon pa akong
handang maghintay sayo.
Kaya kung saka-sakaling
magbago man ang isip.
Bumalik man sa dati ang ihip ng hangin.
Lumingon ka lang, isang dipa lang ang pagitan.
Abot-kamay kung ako'y iyong pangarap.
Ikaw naman parang talang kay layo sa hinagap.
Isang lingon mo lang, abot kamay mo na ako.
Lumipad man ako, titig mo pa din ay kaylayo.
No comments:
Post a Comment