Wednesday, March 21, 2012

UPCB

Isang kanlungan pagkatapos ng isang maghapong puno ng kapaguran.
Isang hantungan ng lahat ng ngiti at masayang tawanan.
Isang sandalan sa gitna ng lahat ng kabagabagan.
Isang tahanang tanglaw sa gitna ng kadiliman.

Hindi ang lugar ng tambayan, kundi ang alaala ng masayang kwentuhan,
ang nagbibigay kulay sa isang hapon sa tambayan.
Samahan pa ng matatamis na ngitian at walang sawang kulitan,
ano pa nga ba ang tatalo sa mabuting samahan.

UPCB, isang liwanag na sa kadilima'y di maikukubli.
Aalalay, aagapay hanggang sa huli.

I just LOVE UPCB.

No comments:

Post a Comment