Friday, March 23, 2012

Tadhana

Pwede ko bang ulit-ulitin?
Isang araw sa buhay natin.
Araw na nasilayan.
Isang bituin sa kadiliman.

Sino bang mag-aakala?
Tulad mo'y makikilala.
Mundo ko'y nagambala.
Napuno ng pagpapala.

Ilang beses kang tinitigan.
Hindi tarok sa kaalaman.
Itinadhana ng kapalaran.
Na makilala ng lubusan.

Pwede ko bang ulit-ulitin?
Isang araw sa buhay natin.
Itinadhanang masalubong.
Sa buhay na parang gulong.

Kahit ulit-ulitin pa.
Sa isipa'y nakatala.
Bawat detalye ng pagkikita.
Pagtatagpo ng tadhana.

Tadhana ang nagtakda.
Tadhana ang nagpakawala.
Tadhana din ang magpaalala.
Tadhana na ang bahala.

1 comment: